Biyernes, Abril 4, 2014

Ang Utos ni Allah sa Isa Hanggang Apat Na Pag-aasawa ng mga Lalaki at Babaeng Muslim

(Kinuha sa: http://finieramos.blogspot.com/2011/09/my-sisters-wedding-malaymuslim-wedding.html)


Ang pag-aasawa ay kabilang sa pinakamatatag na ugnayan na pinahahalagahan ng mga Muslim at ipinanghihikayat ito, at ito ay itinuturing bilang Kaparaanan ng mga Sugo. May iba’t-ibang kondisyon din ang pagpapakasal ng mga Muslim:

1. Pagsang-ayon ng lalaki at babae
- Hindi maaaring pilitin ang lalaki sa hindi niya naiibigan at hindi rin tanggap na pilitin ang babae na magpakasal sa hindi niya naiibigan.
2. Ang wali
- Walang bisa ang kasal kung walang wali ang babae. Ang wali ay ang tumatayong “authority o guardian” sa babae. Ang wali ay may sapat na gulang (15 taon pataas)
3. Ang dalawang lalaking saksi
- Kailangan may dalawa o higit pa na lalaking Muslim na saksi sa pagdaraos ng kasal. Kailangan sila ay mapagkakatiwalaan at umiiwas sa kasalanang mortal.
4. Ang obligasyons magbigay ng mahr
- Tinatawag na ding sadaq. Itinagubiling banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa sandaling iyon.

Ang pagpapakasal ng isang lalaki at pagkakaroon ng isa hanggang apat na asawa ay normal na sapagkat ito ay bahagi na ng kulturang kinagisnan ng mga Muslim. Ngunit para sa ating mga Katoliko, mahirap itong intindihin dahil ang ganitong bagay ay hindi natin itinuturing na normal sa ating mga paniniwala at lingid sa kaalaman ng iba, ang ganitong gawain ay legal sa kultura ng Muslim. Bilang mga mamamayang hindi ganoon kapamilyar sa ganitong kultura, ang isa sa maraming tanong na nais naming mahanapan ng sagot ay "bakit nga ba pumapayag ang pamilya ng babaeng Muslim na maging pangalawa, pangatlo, o di kaya’y pang-apat na asawa ng isang lalaking Muslim ang kanilang anak?"

(Kinuha sa: http://tl.muslimvillage.com/2013/03/03/36176/in-marriage-stop-talking-about-your-rights/)

Base sa aming pagsasaliksik at sa isang forum na aming napuntahan, isa sa mga dahilan ng pagpayag ng pamilya ng babaeng Muslim sa ganitong bagay ay maaaring dahil sa seguridad na magkakaroon ng magandang buhay ang kanilang anak. Kapag mayaman ang isang lalaking Muslim at nanaisin nitong mapangasawa ang isang dalaga, kahit na pang-ilan pa ito basta’t masisiguro ng pamilya na ang kanilang anak ay mapupunta sa mabuting kalagayan at mamumuhay ng maayos at masaya sa piling ng lalaking iyon ay sapat na dahilan na sa kanila upang payagan ang ganitong kasunduan.

Isa pang dahilan ay nasa quran ito ng mga muslim. Nakalagay sa kanilang quran ang pagpapakasal ng mga lalaki sa apat na babae. Nakasalaysay ito sa quran, pero hindi ito  hinihikayat ng quran. Nakalagay lamang ito dahil legal itong gawin ng mga kalalakihang Muslim. Kung kaya nilang buhayin ang apat na asawa at magiging anak nila sa mga ito, ay malaya nilang gawin ang magpakasal ng apat na beses.

At panghuli, pumapayag ang pamilya ng babaeng muslim dahil ito ay kabilang sa kanilang kultura o tradisyon. Ito ay nagmula pa sa mga sinaunang Muslim na naipamana lamang sa henerasyon ngayon. Dahil dito, hindi magiging madali ang pagbali o pagsuway sa mga nakasanayan o nakaugalian ng mga Muslim. Ang ganitong sitwasyon ay ilan lamang sa mga nakagawian ng mga Muslim kung kaya’t hindi ito isyu sa pamilya ng babaeng Muslim.

(Kinuha sa: http://halalporkshop.blogspot.com/2014/01/attention-muslims-in-southern.html)

Masasabing kilala ang mga Muslim sa kanilang kakaibang paraan o proseso ng pagpapakasal. Sa kanilang kultura, mapapansing hindi binibigyan ng importansya kung pang-ilang asawa ang isang babaeng muslim. Ito ay dahil sa kaligtasan at kayamanan na matatanggap ng kanilang anak sa kanilang mapapangasawa, ito ay base sa kanilang banal na libro at dahil ito ay isa sa kanilang tradisyon bilang mga Muslim. Ito lamang ay isa sa mga nagpapakilala sa kanilang relihiyon na bukod tangi kung ituring. Bilang isang Katoliko o anumang relihiyon, dapat nating irespeto at igalang ang bawat relihiyon batay sa kanilang iba’t ibang kaugalian, tradisyon at iba pa.

Sanggunian: