Ang pag-aasawa ay kabilang sa pinakamatatag na
ugnayan na pinahahalagahan ng mga Muslim at ipinanghihikayat ito, at ito ay
itinuturing bilang Kaparaanan ng mga Sugo. May iba’t-ibang kondisyon din ang
pagpapakasal ng mga Muslim:
1. Pagsang-ayon ng lalaki at babae
- Hindi maaaring pilitin ang lalaki sa hindi
niya naiibigan at hindi rin tanggap na pilitin ang babae na magpakasal sa hindi
niya naiibigan.
2. Ang wali
- Walang bisa ang kasal kung walang wali ang
babae. Ang wali ay ang tumatayong “authority o guardian” sa babae. Ang wali ay
may sapat na gulang (15 taon pataas)
3. Ang dalawang lalaking saksi
- Kailangan may dalawa o higit pa na lalaking
Muslim na saksi sa pagdaraos ng kasal. Kailangan sila ay mapagkakatiwalaan at
umiiwas sa kasalanang mortal.
4. Ang obligasyons magbigay ng mahr
- Tinatawag na ding sadaq. Itinagubiling
banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa
sandaling iyon.
Ang pagpapakasal ng isang lalaki at pagkakaroon ng isa hanggang apat
na asawa ay normal na sapagkat ito ay bahagi na ng kulturang kinagisnan ng mga
Muslim. Ngunit para sa ating mga Katoliko, mahirap itong intindihin dahil ang
ganitong bagay ay hindi natin itinuturing na normal sa ating mga paniniwala at
lingid sa kaalaman ng iba, ang ganitong gawain ay legal sa kultura ng Muslim.
Bilang mga mamamayang hindi ganoon kapamilyar sa ganitong kultura, ang isa sa
maraming tanong na nais naming mahanapan ng sagot ay "bakit nga ba pumapayag
ang pamilya ng babaeng Muslim na maging pangalawa, pangatlo, o di kaya’y
pang-apat na asawa ng isang lalaking Muslim ang kanilang anak?"
Base sa aming pagsasaliksik at sa isang forum na aming napuntahan,
isa sa mga dahilan ng pagpayag ng pamilya ng babaeng Muslim sa ganitong bagay
ay maaaring dahil sa seguridad na magkakaroon ng magandang buhay ang kanilang
anak. Kapag mayaman ang isang lalaking Muslim at nanaisin nitong mapangasawa
ang isang dalaga, kahit na pang-ilan pa ito basta’t masisiguro ng pamilya na
ang kanilang anak ay mapupunta sa mabuting kalagayan at mamumuhay ng maayos at
masaya sa piling ng lalaking iyon ay sapat na dahilan na sa kanila upang
payagan ang ganitong kasunduan.
Isa pang dahilan ay nasa quran ito ng mga muslim. Nakalagay sa
kanilang quran ang pagpapakasal ng mga lalaki sa apat na babae. Nakasalaysay
ito sa quran, pero hindi ito hinihikayat
ng quran. Nakalagay lamang ito dahil legal itong gawin ng mga kalalakihang
Muslim. Kung kaya nilang buhayin ang apat na asawa at magiging anak nila sa mga
ito, ay malaya nilang gawin ang magpakasal ng apat na beses.
At panghuli, pumapayag ang pamilya ng babaeng
muslim dahil ito ay kabilang sa kanilang kultura o tradisyon. Ito ay nagmula pa
sa mga sinaunang Muslim na naipamana lamang sa henerasyon ngayon. Dahil dito,
hindi magiging madali ang pagbali o pagsuway sa mga nakasanayan o nakaugalian
ng mga Muslim. Ang ganitong sitwasyon ay ilan lamang sa mga nakagawian ng mga
Muslim kung kaya’t hindi ito isyu sa pamilya ng babaeng Muslim.
Masasabing kilala ang mga Muslim sa kanilang
kakaibang paraan o proseso ng pagpapakasal. Sa kanilang kultura, mapapansing hindi
binibigyan ng importansya kung pang-ilang asawa ang isang babaeng muslim. Ito
ay dahil sa kaligtasan at kayamanan na matatanggap ng kanilang anak sa kanilang
mapapangasawa, ito ay base sa kanilang banal na libro at dahil ito ay isa sa
kanilang tradisyon bilang mga Muslim. Ito lamang ay isa sa mga nagpapakilala sa
kanilang relihiyon na bukod tangi kung ituring. Bilang isang Katoliko o anumang
relihiyon, dapat nating irespeto at igalang ang bawat relihiyon batay sa
kanilang iba’t ibang kaugalian, tradisyon at iba pa.
Sanggunian:
T-Shirts | TITAN ODDS | TITANA ARTICLES
TumugonBurahinT-Shirts · trex titanium headphones T-Shirts titanium rainbow quartz · T-Shirts · T-Shirts · T-Shirts titanium trim hair cutter reviews · T-Shirts mens titanium earrings · infiniti pro rainbow titanium flat iron T-Shirts · T-Shirts.
z108n2lzxoj265 sex chair,anal toys,huge dildos,sex toys,adult sex toys,anal vibrators,vibrators,male masturbators,Male Masturbators b206h4amaqm829
TumugonBurahin